Thursday, 9 February 2017

Ang Aking Buhay Pag-ibig

ni: Albran C. Porras

Nagsimula ito noong ako ay nasa ikalwang taon ng kinder kung una akong naransang magkaroon ng crush. Hinangaan ko siya dahil sa taglay niyang kagandahan at katalinuhan. Kinder 2 hanggang grade 6 sa kanya lamang ako nagkacrush, pinilitb kung magkacrush sa iba pero sa kanya lamang ako lubos na humahanga. “Bakit kaya hindi siya magkacrush sa akin”, sabi ko sa aking sarili. Hanggang sa tumungtong na kami sa high school at doon kami ay nagkahiwalay ng paaralan, hanggang di ko nalang namalayan na hindi na pala ako nagkacrush sa kanya at hindi ko na rin siya nakita.

            Sa pagpatuloy ko ng high school meron namang babae na nakuha ng aking atensyon, maganda, maputi yung nasa kanya na ang hinahanap ko sa isang babae. Di nagtagal naging malapit kami sa isat-isa at doon ay nalaman ko na may kasintahan na pala siya. Ako ay nagbigla sa aking nalaman dahil ang kasintahan niya pala ay isang babae. Sumounod ang mga araw, siya ay nagkasakit at ilang buwan siyang hindi nakapasok. Dahil sa kanyang pagkakasakit, ang aming pagiging matalik na kaibigan ay lumabo.

            May bago kaming kaklase na dumating o tinatawag na transferee, sabi ko “ang itim-itim naman niya, hinding-hindi ako magkacrush diyan”, sabay tawa. Hanggang sa hindi ko namalayan na napalapit na pala ako sa kanya o sa madaling salita nagkacrush ako sa kanya. Hanggang kami ay malapit na sa isat-isa, lage kaming magkatext at hindi-hindi mauubusan ng load pangtext sa kanya. Isang araw, habang kami ay magkatext, biglang nagtext sa kanya ang kanyang kaibaigan at sabay tanong na “kami na ba?” Nagtext siya sa akin kung ano ang isasagot sabi ko naman, “oo”. At siya nga ang aking pinakunang kasintahan. Lumipat kami ng bahay ng hindi inaashan sa lugar ng aking mama, ang Toril. Paminsan-minsan nalang ang aming pagkokomunikasyon sa isat-isa at dahil busy na rin kami. Narealize ko na hindi pa pala ako handa sa ganitong mga bagay, kaya ako ay nagpasiya na makipaghiwalay sa kanya. Masakit man sa aking kalooban at alam ko na masakit rin para sa kanya, itinuloy ko parin.

            Pagkatapos, unang araw ng klase ko sa bagong paaralan at mga bagong kaklase. Pagpasok ko sabi ko sa aking sarili, “hindi ako magkakaroon ng mga kaibaigan dito.” May babae akong napansin na hindi ko nakita noong unang araw ng klase. Sabi ko, hinding-hindi kami magiging magkaibigan niyan” at ako ay nagkamali. Hanggang ako ay nagkacrush sa kanya ng subra-sobra at naging malapit kami sa isat-isa. Isang araw ako ay nagtapat sa kanya na crush ko siya at kami ay lalong magkalapit sa isat-isa. Noong kami ay nag –away, ako ay sobrang nalungkot dahi sabil niya hinding-hindi niya na ako papansinin at hindi na kami magkakabati. Sa sobrang lungkot ko, hindi ko napigilang umiyak habang naglalakad sa daan papunta sa kanila upang kausapin siya. Akala kung hinding-hindi na talaga kami magkakaayos at lumipas ang ilang linggo pinansin niya rin ako.

            At kami nga ay nag senior high school na at sa hindi inaasahang pagkakataon ang lahat ng aming pinagsamahan ay biglang nawala. Sa kadahilanang hindi na kami magkapareho ng paaralan at madalang nalang ang aming komunikasyon sa isat-isa dahil sa pagiging busy. Ako ay lubhang nasaktan sa nangyari, pero hindi ako nagpadala sa aking emosyon. Dahil sa nangyari natutunan ko at naransan ko kung paano nga ba ang sinasabi nilang “move-on”.


            Sa kabila ng aking mga naransan, ito ay nagsilbing aral sa aking buhay dahil natutunan kung maging mature sa bawat desisyon na aking gagawin. Ngayon ako ay masaya at kontento sa aking crush.

No comments:

Post a Comment