Thursday, 9 February 2017

"SI JUAN AT ANG MGA ALIMANGO"


ni: Irish Mae Sundo

Isang araw si Juan ay inutusan ng kanyang ina na si Aling Maria , "Juan pumunta ka sa palengke at bumili ka ng alimangong maiuulam natin sa patanghalian ". Binigyan ng ina si Juan ng pera at pinagsabihang lumakad na nang hindi tanghalin.

Nang makita si Juan sa palengke ay lumapit siya sa isang tenderang may tindang mga alimango at naki usap na ipili sya ng matataba. Binigyan ni Juan ang alimango at nagpasalamat sa tendera.

Umuwi na si Juan ngunit dahil matindi ang sikat ng araw at may kalayuan din ang bahay nina Juansa palengke ay naisipan ni Juan na magpahinga sa ilalim ng punong-kahoy na may malalabay na sanga.Naisip niyang naghihintay ang kanyang ina kaya't naipasya niyang paunahin ng papauwiinang mga alimango " mauna na kayong umuwi at magpahinga muna ako itinuro ko sa inyo ang aming bahay lumakad na kayo at pagdating sa ikapitong kanto ay lumiko kayo sa kanan ang unang bahay sa gawaing kahoy ang bahay namin"l sige na lakad na kayo"

Kinailangan ni juan ang mga tali ang mga alimango at pinabayaan nang magsilakad ang mga iyon.Pagkatapos ay humilig na sa katawan ng puno.Dahil sa malakas ang hangin ay nakatulog si Juan . Bandang hapon ng magising si Juan nag inat tinatamad ng tumayo. Naramdaman niyang kumakalam qng kanyang sikmura , nagmamadali ng uwi si Juan .

Malayo-layo pa siya ay natanaw na ang kanyang ina na naghihintay sa may puno ng kanilabg hagdan.Agad ng sinalubonh ni Aling Maria ang anak ang mga alimango "Bakit po? Hindi po ba Naka uwi? nagulat ang ina sa sagot ni Juan "Juan ano ang ibig mong sabihin ? Nanay , kaninang umaga papo pina uwi ang mga alimango akala ko nay narito na"."Juan paanong makauuwi rito ang mga alimango? walang isip ang mga iyon." Hindi nauunawaan agad ni Juan ang Paliwanang ng ina .Takang- taka siya kung bakit hindi makauwi ang mga alimango.Sa pagpatuloy ng nagpapaliwanang bg ina ang mga alimango ay hindi katulad ng mga tao na may isip ay pagpaliwanagan ni na mali nga ang ginawa niya na pagpauwi sa mga alimango.

No comments:

Post a Comment