Thursday, 9 February 2017

Sa Likod ng Matibay na Ako


Ni: Rona Jean M. Diaz

Maikli lang ang buhay, alam natin yan. Isang sangkap ng buhay ay ang problema. Ako si Alexa, isang huwarang kabataan na sinubok ng panahon. Sa ngayo’y hinaharap ang hamon ng buhay ng may tapang at tibay ng loob. Kasalukuyang nag-aaral sa isang pribadong paaralan sa kolehiyo at gumaganap sa trabaho ng isang mabuting anak. Sa bawat araw na dumadaan positibo kong hinaharapo ang bawat bagay. Pero ano nga ba anag nagpatibay sa isang tulad ko?

Isang pagsubok ang dumating sa buhay ko, mabigat? Oo. Tumalikod ako sa liwanag at naghanap ng saya sa dilim. Natuto akong gumamit ng sigarilyo, sumali sa gang at magkasyota. Oo, pagsubok yun sapagkat naapektuhan nito ang pag-aaral ko at relasyon ko sa aking pamilya. Natuto akong magrebelde at tumakas.

Bakit nga ba nagawa ko yun? Naransan niyo na bang lumaki sa iyong Lola? Ako oo, sa Lola ko ako lumaki at hindi sa tunay kong mga magulang. Hindi madali sapagkat hinahanap-hanap ko ang kalinga ng aking mga magulang lalo na ang atensyon. Sa barkada ko kasi naramdaman at naransan yun. Pinaramdam naman ng Lola ko ang pagmamahal niya sa akin pero ramdam ko na may kulang pa. iba parin kasi pakiramdam paglumaki sa piling ng iyong magulang.


Isang araw na mulat ako sa isang mahabang bangungot. Namulat ako sa mga pagkakamaling nagawa ko. Sa unang linggo ng pagbabagong buhay ay hindi naging madali kasi hindi na iyon ang naksanayan ko. Pero sa tulong ng akong mga kamag-anak napagtagumpayan kong magbago.

No comments:

Post a Comment